Siniguro ni Jayson Salvador ang head ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Corporate Affairs and Government Relations ang kahandaan ng kanilang terminal ngayong Holiday Season.
Paliwanag ng opsiyal, naglatag na sila ng iba’t ibang pamamaraan para matiyak ang maayos na biyahe ng mga commuters.
Kabilang dito ang mas maraming mga tauhan at maayos na koordinasyon sa mga bus companies.
Nauna nang magpaalala ang PITX sa publiko na dumating ng maaga at mag-book online para hindi na maabala pa sa byahe ngayong panahon ng Kapaskuhan. | ulat ni Lorenz Tanjoco