Tiniyak ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kahandaan nito ngayong holiday rush.
Sa inilabas na pahayag ng ahensya, inaasahan na nila ang passenger traffic surge ngayong holiday season base na rin sa ‘Oplan Byaheng Ayos Pasko 2024’ ng Department of Transportation.
Nangako ang CAAP na sisigurihin nilang ligtas, maayos at kumportable ang magiging karanasan ng mga biyahero sa 44 na paliparan sa ilalim ng hurisdiksyon nito.
Ayon kay CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo, kinikilala ng kanilang ahensya ang kahalagahan ng stress free travel experience lalo na ngayong holiday season kaya naman sa pamamagitan aniya ng pagtiyak na maaasahan ang kanilang operasyon at kahandaan ng kanilang mga pasilidad ngayong Christmas rush.
Layon aniya nilang makapagbigay ng maayos at ligtas na biyahe para sa lahat ng pasahero. | ulat ni Lorenz Tanjoco