Kumpiyansa ang Department of Energy (DOE), partikular si Director Rino Abad, ang direktor ng Oil Industry and Management Bureau, na magiging maganda ang presyuhann ng produktong petrolyo sa 2025.
Sa kabila kasi aniya ng ilang linggong taas-presyo ay nanatili ang sobra-sobrang supply ng langis sa mundo kung ikukumpara sa mga nangangailangan nito.
Base sa pagtaya ni Abad, ang nasabing sobrang supply ay maaring tumagal hanggang sa unang quarter ng 2025.
Pero paliwanag ng opisyal, ang mga nararanasang taas-singil sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng mga galaw ng ekonomiya.
Kapag nagbaba ng interest cut ang mga international banks ay tumataas ang demand ng langis kaya’t tumataas din ang presyo nito.
Pagbibigay-diin ni Abad na sa oras na matigil na ang mga interest movement ng mga bangko, ay mararamdaman na ang pagbaba ng presyuhan ng mga produktong petrolyo. | ulat ni Lorenz Tanjoco