Nananatiling marami ang biyahe ng bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ito ang siniguro ni Kolyn Calbasa, ang corporate communication officer ng PITX
Ayon sa opisyal, bagamat may mga fully booked nang mga biyahe ng bus ay marami pa ring biyahe sa kanilang terminal.
Paliwanag nito, pawang mga biyaheng Bicol partikular ang papuntang Tabaco City, Bicol ang mga punuang biyahe ng bus.
Base naman sa pinakahuling tala ng terminal, pumalo na sa halos 60,000 ang bilang ng mga pasaherong dumaragsa sa nasabing lugar. | ulat ni Lorenz Tanjoco