Hindi pinayagan ng Pasig Regional Trial Court ngayon ang hiling na piyansa ng kampo ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang iba pang sangkot sa kasong ‘qualified human trafficking’.
Ito ang kinumpirma ni Prosecutor General Richard Fadullon.
Sa isang resolusyon, sinabi ng korte na tinanggihan ang petisyon dahil matatag ang ebidensya ng prosekusyon laban sa kanila sa ginanap na bail hearing.
Sa kasalukuyan, nakapiit si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory.
Sa ngayon, wala pang pahayag ang kampo ni Guo kaugnay nito. | ulat ni Diane Lear