Ideneklara nang fire under control ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Montreal Street, Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.
Ito ay katabi lamang ng Five Star Bus Terminal at Superlines, sa EDSA Cubao.
Batay sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas ang unang alarma bandang 4:03 PM at ideneklarang fire under control bandang 4:30 PM.
Sa ngayon, patuloy na inaapula ng mga tauhan ng BFP ang sunog na nakaapekto na rin sa daloy ng trapiko sa EDSA Northbound.
Patuloy pang inaalam ang dahilan ng sunog at halaga ng pinsala. | ulat ni Diane Lear