Nagpaalala sa publiko ang Ecowaste Coalition para sa malinis at ligtas na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon partikular sa public parks.
Ang panawagan ay ginawa ng environmental group ilang araw bago ang Pasko.
Tuwing Pasko at Bagong Taon anila, maraming pamilya ang nagpupuntahan sa mga pook pasyalan tulad ng Rizal Park sa Manila City, Quezon Memorial Circle sa QC, Fuente Osmeña Circle sa Cebu City, Burnham Park sa Baguio City, at iba pa
Karaniwan nang nagiging problema sa pagtitipon ang kalat ng basura sa bawat sulok ng recreational parks.
Para maiwasan, hinihikayat ng Ecowaste Coalition ang publiko na panatilihin ang kalinisan, kaligtasan at kaayusan sa mga pampublikong parke.
Apela pa ng mga ito ang magtulungan para sa isang masaya at eco-friendly na pagsasama-sama ngayong Pasko at Bagong Taon. | ulat ni Rey Ferrer