Aabot sa 4,208 na tonelada ng sulfur dioxide flux ang ibinuga ng bulkang Kanlaon kahapon.
Sa ulat ng Phivolcs, sa nakalipas na 24 oras, nagparamdam ng 22 volcanic earthquake ang bulkan.
Hindi naman kita ang pagsingaw ng bulkan dahil natatakpan ng ulap ang ituktok nito.
Paalala ng Phivolcs na maaari pang maganap ang biglang pagsabog,pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo, rockfall , pyroclastic density current at pagdaloy ng lahar kapag umuulan.
Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa bulkang Kanlaon at lahat ay pinag-iingat. | ulat ni Rey Ferrer