Nananatili pa ring normal ang operasyon ng 13 electric cooperative sa Northern Luzon.
Ito’y ayon sa ulat ng National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department.
Ayon sa NEA, lahat ng coverage areas ng 13 ECs ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal number 1 dahil sa bagyong #BettyPH.
Ang 13 ECs na nasa normal operation pa ay ang mga sumusunod:
CAGELCO (Cagayan Electric Cooperative 1 at 2)
BATANELCO (Batanes Electric Cooperative)
ISELCO (Isabela Electric Cooperative 1 at 2)
INEC (Ilocos Norte Electric Cooperative)
MOPRECO (Mountain Province Electric Cooperative)
NUVELCO (Nueva Vizcaya Electric Cooperative)
QUIRELCO (Quirino Electric Cooperative)
ABRECO (Abra Electric Cooperative)
AURELCO (Aurora Electric Cooperative)
IFELCO (Ifugao Electric Cooperative)
KAELCO (Kalinga-Apayao Electric Cooperative)
| ulat ni Rey Ferrer