PHIVOLCS, naglabas ng datos mula sa naitalang sunod-sunod na mga lindol sa Manila Trench offshore ng Santa Catalina, Ilocos Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng datos ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ukol sa naitalang sunod-sunod na mga lindol sa Manila Trench offshore ng Santa Catalina, Ilocos Sur na kanilang na-monitor mula noong December 17.

As of December 22, ang “recorded” earthquakes ay umabot na sa 178; ang “plotted” earthquakes ay umabot naman sa 62; ngunit dalawa lamang ang “felt” o naramdaman sa mga ito na may magnitude range na 1.8 hanggang 5.0.

Ang “recorded” ay tumutukoy sa lindol na nasukat ng isang seismic station. Samantala, ang “plotted” ay tumutukoy sa nasukat at na-locate ng tatlo o higit pang seismic stations.

Ang pinakamaraming naitalang recorded at plotted earthquakes ay noong December 19-20. Ngunit ayon sa PHIVOLCS ay bumaba na ang bilang ng mga ito sa nakalipas na dalawang araw.

Para sa iba pang listahan ng mga impormasyon ukol sa lindol, bisitahin lamang ang website at official Facebook page ng DOST-PHIVOLCS. | ulat ni Jollie Mar Acuyong | #RP3Alert

📷 DOST-PHIVOLCS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us