Tuloy-tuloy pa rin ang naitatalang mga lindol ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa offshore ng Ilocos Sur.
Batay sa pinakahuling pagtaya ng PHIVOLCS, may higit 200 pagyanig na ang naganap noong December 17.
Mula rito, 178 ang recorded, 62 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang dalawa naman ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente.
Ang mga naitalang pagyanig ay may lakas na mula magnitude 1.8 hanggang 5.0 at may lalim na hanggang 80 kilometro.
Una nang sinabi ng PHIVOLCS na ang mga lindol ay bunsod ng paggalaw sa kahabaan ng Manila Trench.
Patuloy namang binabantayan ng PHIVOLCS ang mga aktibidad ng lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa