Gagamiting field water purification vehicles na nagmula sa NDRRMC, ipre-preposition na ngayong araw sa Lal-Lo, Cagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mailalagay sa bayan ng Lal-lo, Cagayan ang Field Water Purification Vehicles (FWPV) na nagmula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Dumating kagabi sa Office of Civil Defense Region 2 – Emergency Operations Center sa siyudad ng Tuguegarao ang team na nagdala sa dalawang units ng FWPV na tinanggap naman ni OCD R2 DRRM Division Chief Jaye Cabauatan.

Titiyakin ng FWPV ang contamination-free drinking water para sa mga komunidad na maaapektuhan ng bagyong #BettyPH.

Nabatid kay OCD R2 Information Officer Michael Conag na maituturing na strategic location ang Lal-lo para mabilisang matugunan ang pangangailangan sa malinis na tubig ng mga mamamayan.

Ang nasabing equipment ay ibiniyahe mismo ng logistics support group ng Armed Forces of the Philippines, na pinangungunahan ni LtCol. Jimmy Trayvilla ng Philippine Air Force. | via April Salucon-Racho | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us