Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang matagumpay na ‘bloodless’ na Anti-Illegal Drug campaign nito sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa ulat ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, mula January 1 hanggang December 15 ng 2024, nakapagtala sila ng ₱20.7 bilyong halaga ng mga iligal na drogang nasabat sa mga ikinasang operasyon.
Mas mataas ito ng 101% kumpara sa kanilang mga nasabat na iligal na droga noong isang taon.
Nagbuhat ito sa halos 50,000 (46,821) ikinasang operasyon ng PNP sa buong bansa na nagresulta sa pagkakaaresto sa 57,129 na indibiduwal at pagkakasabat sa mahigit 8 metriko toneladang iligal na droga.
Nangunguna sa pinakamaraming nasabat ng PNP sa kanilang Anti-Illegal Drugs Operations ang Shabu na sinundan ng Marijuana, Ecstasy, Cocaine, Ketamine, at Kush. | ulat ni Jaymark Dagala