Kumakalat na umano’y memorandum na nagkakansela sa Service Recognition Incentive ng mga Pulis, fake news — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing na ‘fake news’ ng Philippine National Police (PNP) ang kumakalat na memorandum sa social media na nagsasaad ng di-umano’y pagkansela sa pamamahagi ng Service Recognition Incentive (SRI) ng mga Pulis para sa 2024.

Ayon sa PNP, kasalukuyang pinoproseso ng PNP Finance Service ang SRI ng mga Pulis katuwang ang Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) upang maipamahagi na ito agad sa mga kuwalipikadong tauhan ng PNP.

Sa inilabas na pahayag ng PNP Public Information Office (PIO), magsisilbing gabay ng Directorate for Comptrollership ang fiscal directive na inaprubahan ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil para sa maayos na pagpapalabas ng pondo.

Pinag-iingat naman ng PNP ang mga tauhan nito gayundin ang publiko na maging mapanuri at maingat sa mga dokumentong kumakalat online na layuning sirain ang integridad ng kanilang organisasyon.

Kasunod nito, ipinag-utos din ni Marbil ang malalimang imbestigasyon sa usapin upang tukuyin at papanagutin ang sinumang nagpapakalat ng maling impormasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us