Binigyang-diin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na prayoridad nila ang kaligtasan ng lahat, at ito ang dahilan ng pansamantalang pagsasara ng Iloilo International Airport.
Ayon sa CAAP, naipaliwanag na nina Iloilo Airport Manager Manuela Luisa Palma, kasama ang safety officer, engineering team, at Passenger Terminal Building (PTB) supervisor ng CAAP kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang nangyaring pansamantalang pagsasara.
Giit ng CAAP, ang pansamantalang pagsasara ay dahil sa dalawang lubak na nadiskubre sa runway 02 ng nasabing paliparan.
Ayon sa mga opisyal ng CAAP, patunay na ang nasabing desisyon ay pangako ng ahensya ng maayos at ligtas na airport infrastructure. | ulat ni Lorenz Tanjoco