Higit 6,000 ARBs sa Guimaras at Iloilo, pinagkalooban ng CoCRoMs, CLOAs, at E-Titles ng DAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabuuang 6,262 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa lalawigan ng Guimaras at Iloilo ang pinagkalooban ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoMs), Certificates of Land Ownership Award (CLOAs), at Electronic Land Titles ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Mismong si DAR Undersecretary for Foreign-Assisted and Special Projects Office Jesry Palmares, ang nanguna sa pamamahagi sa mga magsasaka.

Ang distribusyon ng CoCrom ay alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11953 o mas kilala na New Agrarian Emancipation Act, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hulyo 7, 2023.

Pinawalang saysay ng batas ang lahat ng agraryong utang ng mga magsasaka, kabilang ang amortisasyon, interes, multa at surcharge sa mga lupaing ipinamahagi sa ilalim ng PD 27, RA 6657, at RA No. 9700.

Kasabay nito, namahagi din ang DAR ng 479 Certificate of Land Titles na sumasaklaw sa 473.97 ektarya ng lupa sa 351 ARBs.

Gayundin ang 1,100 e-titles sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project, na sumasakop sa 879.98 ektarya sa 710 ARBs mula sa Lalawigan ng Guimaras at Iloilo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us