NGCP, bayad na sa multang ipinataw bunsod ng mga nabalam na proyekto; Pakikipag-ugnayan sa DOE at ERC para sa scheduling ng mga proyekto, tuloy-tuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Energy Regulatory Commission (ERC) na pinatawan nila ng nasa P15 million multa ang National Grid Corporation of the Philippine (NGCP), dahil mga delayed na prokeyto.

Sa pagtalakay ng House Committee on Legislative Franchises sa lagay ng kuryente sa bansa, sinabi ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, na inimbestigahan nila ang nasa 37 delayed projects ng NGCP, kung saan 34 sa mga ito ay unjustified.

Sa 34 na proyektong ito, nagpataw ng P15.8 million.

Ayon kay Dimalanta, nakabayad na ang NGCP bagamat may ilan na under protest.

Paliwanag naman ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza, may apela sila sa ilan sa mga proyekto na pinatawan ng multa dahil sa alignment ng timelines.

Isa sa halimbawa niya ang malaking proyekto sa Visayas kung saan March 2015 sila nag-file, ngunit July 2019 pa naaprubahan.

Nakumpleto naman aniya ito nitong March 2024 na lagpas sa apat na taon.

“So there’s really an issue on the alignment of timelines, but I do know Chair Mona is working hard so that we can align these. (1:26) And same for NGCP po na meron talagang regulatory delays kaming hinaharap, (1:32) pero at the same time ginagawan din huna minang paraan para mabawasan po yung mga magiging actual delays sa implementation.” giit ni Alabanza

May mga hamon din aniya sila gaya ng Supreme Court Ruling na hindi maaaring magpatupad ng proyekto hangga’t walang approval mula ERC.

Pero pagtiyak ng NGCP na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ERC at DOE pagdating sa scheduling ng mga proyekto.

“…marami rin po kaming ibang naging had lang katulad po ng isang supreme court ruling na nagsasaad na hindi po maaring mag-implement ng mga proyekto na wala pung ERC approval. But again, constant naman po ang aming co-ordination o the DOE and the ERC.“ dagdag pa niyang paliwanag. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us