DENR, nagbigay ng bigas sa mga pamilyang sinalanta ng mga nagdaang bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-donate ng sako-sakong bigas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa sinalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa.

Ipinagkaloob ng DENR sa Department of Social Welfare and Development ang kaloob na tulong na aabot sa 210 sako ng bigas.

Ang donasyon ay iprinisinta sa DENR Year-End Employees General Assembly, bilang bahagi ng Compassion Project na pinangunahan ng DENR-Association of Career Executives.

Sa pagitan ng Oktubre at Nobyembre ngayong taon, hinagupit ng magkakasunod na bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito ang Pilipinas.

Tiniyak ng DENR, na nananatiling nakatuon ito sa pagbibigay ng tulong at suporta sa panahon ng krisis. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us