Nagtalaga ng mga tow truck ang North Luzon Expressway Corporation sa NLEX para umalalay sa mga motorista ngayong kapaskuhan at bagong taon.
May alok na libreng towing ang NLEX Corporation malapit sa Exit ng Class 1 Vehicle.
Pinasimulan ito noong Disyembre 20, 2024 mula alas-6 ng umaga hanggang Enero-5 ng susunod na taon.
Alas-10 ng gabi bukas, Disyembre 24 hanggang alas-6 ng umaga ng Disyembre 25, ipapatupad na rin para sa Class 1, 2, at 3 vehicles ang libreng toll sa NLEX, NLEX Connector, SCTEX, CALAX , at CAVITEX.
Muling ipapatupad ang libreng toll sa Disyembre 31 ng alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga ng Enero 1, 2025.
Ang toll fees ay na-waived para sa mga motoristang lumalabas hanggang 6 ng umaga. | ulat ni Rey Ferrer