Atrasadong rate reset rules ng nakaraang pamunuan ng ERC, isang dahilan bakit nagpatuloy ang pagpapataw ng NGCP ng CAPEX sa consumers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakuwestiyon sa pagdinig ng House Legislative Franchises kung bakit ipinapasa pa rin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga consumer ang hindi pa tapos na Capital Expenditure Projects o CAPEX nito.

Giit ni Laguna Representative Dan Fernandez, unfair at dehado ang taumbayan sa hakbang na ito kaya dapat may magpatupad ng reporma.

“Parang ‘yung mga project na ginagawa pa lang ng NGCP eh hindi pa po nagagamit, hindi pa siya useful, hindi pa siya commissioned, hindi pa natin makikita na siya ay efficient dahil hindi pa siya tapos, sinisingil na natin sa taumbayan,” saad ni Fernandez.

Pag-amin naman ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta, kabilang siya sa minorya na bumoto na dapat ay mga completed at commission project lang ang maisama sa Regulatory Asset Base (RAB).

“As far as the minority is concerned, only the CAPEX amounts that resulted in actual assets. Hindi mo po kasi siya mabo-book as actual assets as if unless buo na po yung project eh…The decision po of the majority is to allow NGCP to recognize the CAPEX of the value ‘as spent,’ so it is the ‘as spent approach’ versus the ‘completed and commissioned…the stand of the majority, at least in the draft final determination, is that basta nagastos na ni NGCP, pwede na po niyang i-recover,” paliwanag niya.

Pero depensa ng NGCP, dati nang pinapayagan ang ‘as spent’ approach.

“Historically po the ERC has allowed us on an ‘as spent’ basis unlike po kasi on ordinary small value good that you pay before you use these are large capital expenditure projects po like an ordinary contractor po pag nagbayayad tayo panggawa ng bahay hindi po yan sisingilin ng contractor at the end of the period.” Ani NGCP Assistant Vice President at Public Relations Head Cynthia Alabanza

Dagdag pa ni Alabanza, sinunod lang nila ang umiiral noon na panuntunan dahil wala pang nailalabas na bagong rules ang Energy Regulatory Commission (ERC) para sa ika-apat na regulatory reset application ng NGCP.

Sakop dapat ng ika-4 na NCGCP rest application ang taong 2016 hanggang 2020 ang ika-5 ay para sa mga taong 2021 hanggang 2025.

Ngunit binago ng ERC ang regulatory reset period sa 2016 hanggang 2022, at 2023 hanggang 2025.

“ang sinundan po namin ay ‘yong huling approved rules na wala ho kaming choice kasi nga po hindi po naumpisahan yong pagpataw ng bagong rules kaya po ginamit po namin yong dating rules at humingi po kami ng interim review scheme para ho patuloy ang trabaho ng ngcp.” giit ni Alabanza

Ani Dimalanta, dahil lagpas na ito sa regulatory period ay mayroon vacuum sa batas, kaya ang apply aniya ang NGCP para sa isang interim rate.

“In 2020, NGCP applied for an interim rate. It’s a recognition that there were no valid issued, approved rates from 2016 all the way to 2020, kaya po sila nag-apply ng interim.Kaya po interim lang ang pinasa ng Commission because it’s all subject to a full reset,” ani Dimalanta.

Aminado naman ang opisyal, na dapat ay niresolba na lang ng dating pamunuan ng ERC ang regulatory reset ng NGCP kaysa nagkaroon ng interim arrangements.

“Klaro naman po na dapat naglabas ang ERC noon. I think it was also recognized that the interim that they’ve applied for in 2020 was only an interim arrangement. Hindi siya final rules. It’s all subject to the final action in a reset,” saad pa ng ERC Chair. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us