Muling nag-imbita ang Malacañang sa lahat para sa huling gabi ng Tara sa Palasyo kung saan ay alok ng Palasyo ang free rides.
Ayon kay Deputy Social Secretary Dina Tantoco, ito na ang huling pagkakataon na kanilang bubuksan ang Palasyo para sa libreng rides, habang hanggang bukas na lang ang simbang gabi.
Kaugnay nito’y inaasahan ani Tantoco nila na mas maraming pupunta sa Malacañang para sa huling gabi ng Tara sa Palasyo.
Base naman sa kanilang datos ay nasa average na 3,000 ang nagtutungo sa Palasyo kada gabi na aniya’y doble sa nakaraang taon.
Kaugnay nito ay malinaw aniya ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa nakagawian ng buksan ang Palasyo sa publiko lalo na sa ganitong mga panahon.
Ipinamulat aniya ng kanilang mga magulang na ilapit ito sa lahat lalo na sa tuwing kapaskuhan gayung ang pasko aniya ay para sa magpapamilya at para sa mga bata. | ulat ni Arvin Baltazar