Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magpapatupad ito ng shortened operations sa December 24 at December 31.
Ito ay upang bigyang-daan ang kanilang frontliners na makasama ang pamilya sa pagdiriwang ng Noche Buena at Media Noche.
Batay sa abiso ng LRTA, ang unang biyahe ng tren mula sa Antipolo at Recto Station ay alas-5 ng umaga sa December 24 at 31.
Habang ang huling biyahe ng tren mula Antipolo Station ay alas-8 ng gabi ng December 24, at ang huling tren mula Recto Station ay aalis ng alas-8:30 ng gabi.
Sa December 31 naman, ang huling tren mula Antipolo Station ay aalis ng alas-7 ng gabi, at mula Recto Station ay alas-7:30 ng gabi.
Hinikayat ng LRTA ang mga pasahero na planuhin ang kanilang biyahe upang maiwasan ang abala.| ulat ni Diane Lear