Ways and Means Committee Chair, pinuri ang DOH sa pagtugon sa panawagan ng Kamara na alisin na ang purchase booklet requirement ng mga senior citizen sa pagbili ng gamot

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinabot ni House Ways and Means Chair Joey Salceda ang pasasalamat sa DOH, kasunod ng paglalabas sa Administrative Order 2024-0017, kung saan tuluyan nang inaalis ang pangangailangan sa Senior Citizen booklet kapag bumibili ng gamot ang mga seniors.

Aniya isa itong long overdue na pagbabago na bahagi ng ginawang pagdinig ng joint committee ng Kamara.

“Byebye booklet. I thank the DOH for making permanent the change we requested in the House’s joint committee hearings on senior citizens’, PWD, and solo parents’ benefits. It’s a long overdue change. Salamat PBBM and salamat, Secretary Ted Herbosa.” Ani Salceda

Saad ng Albay solon na lumabas sa kanilang mga pagdinig na madalas ay hindi nakakakuha ang mga senior citizen ng nararapat nilang diskwento dahil lang sa nalilimutang dalhin ang naturang booklet sa kanilang pagbili ng gamot.

“During the House hearings, it was brought up that the booklet requirement often causes senior citizens to get denied essential medicines. Senior citizens often forget these documents, or lose them. The 20 percent medicine discount, along with the VAT-free treatment for a significant number of medicines, has been a lifesaver for many senior citizens.” Diin ng mambabatas.

Itinuturing ni Salceda na isa sa mga major accomplishment ng joint committee ang desisyon ng DOH na alisin ang booklet requirement.

Bukod pa ito sa 40% discount na ipinatupad ng Starbucks bilang kompensasyon sa misapplication ng standard discount, pagsasaayos ng Grab at Angkas sa access para sa senior citizen at PWD discount, pinadaling discount application ng MERALCO para sa mga seniors gayundin ang pinalawaig na benefic package para sa mga PWD at eligibility ng mga seniors sa TUPAD.

Kasama rin aniya dito ang pinataas na diskwento ng DTI, DA at DOE sa SC at PWD sa diskwento sa basic goods mula P260 na ngayon ay P500 kada buwan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us