Ipinag-utos na ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang pagtatalaga ng Firecracker and Pyrothecnic Devices Display Zone sa mga barangay sa lungsod.
Sa 33 barangay, hindi lahat ay pinayagan na maglagay ng Firecracker and Pyrothecnic Devices Display Zone.
Ang kautusan ng alkalde ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinumang indibidwal, entity o korporasyon na lalabag sa kautusan ay may katapat na kaparusahan. | ulat ni Rey Ferrer