‘Blue alert’ status, nakataas na sa Metro Manila ngayong Pasko, ayon sa MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakataas na sa ‘blue alert’ status ang operations center ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC).

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), epektibo ito simula December 23 hanggang January 6.

Ibig sabihin nito, aktibo ang kalahati ng pwersa ng Office of Civil Defense (OCD), at iba pang ahensya ng pamahalaan sa Metro Manila, sa pangunguna ni MMDA chairman Atty. Don Artes.

Sa pulong ng MMDRRMC, tinalakay ang mga posibleng insidente tuwing holidays tulad ng sunog at pag-ulan, kasama na ang mga hakbang para sa maagang paghahanda sa pista ng Itim na Nazareno sa Enero.

Nakaantabay na rin ang mga kasamang ahensya ng MMDRRMC upang magbigay ng tulong kung kinakailangan.

Samantala, simula bukas, bisperas ng Pasko, suspendido ang number coding sa Metro Manila hanggang December 25, gayundin sa December 31 hanggang January 1, 2025. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us