Philippine Army, nakakuha ng mataas na trust at satisfaction rating sa 4th quarter 2024 OCTA Research survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtala ang Philippine Army ng +75% net trust rating at +76% net satisfaction rating.

Ito ay batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research para sa ika-apat na quarter ng 2024.

Tumaas din sa 82% ang bilang ng mga Pilipinong handang makipaglaban kasama ang Philippine Army para ipagtanggol ang bansa laban sa foreign aggressions, mula sa dating 77% sa nakaraang survey.

Base sa Tugon ng Masa nationwide survey, naging kuntento ang mga Pilipino sa pagganap ng tungkulin ng Philippine Army sa national security.

Nakatulong din sa pagtaas ng tiwala at suporta ng publiko ang pagsugpo ng Philippine Army sa mga Communist Terrorist at Local Terrorist Groups para sa kaunlaran ng bansa.

Nagpasalamat naman si Army Commanding General Lieutenant General Roy Galido sa mga Pilipino sa patuloy na suporta at tiwala sa kakayahan ng Philippine Army na paglingkuran at pangalagan ang ating bayan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us