Labis ang pasasalamat ni Deputy Speaker at Cebu City 5th District Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco na naisakatuparan na sa wakas ang isa sa mga matagal na niyang isinulong na proyekto sa Cebu.
Sa pormal na pagbubukas ng Liloan Port o “Pier 88”, sinabi ng mambabatas na hindi lamang ito magsisilbi bilang commuter port dahil maituturing din aniya itong ‘economic gateway’ ng Cebu.
Malaking tulong aniya ito sa mga empleyado na bumibiyahe papunta at mula Bohol, Camotes Islands, Ormoc sa Leyte, at mga siyudad ng Lapu-Lapu at Cebu, dahil mapapabilis nito ang biyahe.
Makatutulong din aniya ito para ma-decongest ang trapilko sa Metro Cebu.
“Liloan’s Pier 88 is Cebu’s first smart port, offering convenient and modern services to commuters from the Visayas connecting to Bohol, the Camotes Islands, Ormoc, Leyte, and of course the cities of Lapu-Lapu and Cebu, and perhaps more. The port will help decongest traffic in Metro Cebu, particularly in Consolacion and Mandaue City, by providing an alternative mode of transport using the top-line SeaBus. Most importantly, it will improve the quality of life, saving hours and lives of thousands of Cebuanos by significantly cutting travel time of the riding public who commute daily to and from their respective workplaces in Metro Cebu.” saad ni DS Frasco.
Maliban dito ay makalilikha rin aniya ng trabaho ang pagbubukas ng pantalan.
Positibo rin aniya si Tourism Sec. Christina Frasco, na nagsulong din sa proyekto nang siya pa ang Mayor ng Liloan, na lalo pang sisigla ang turismo sa Cebu dahil sa Pier 88.
Dagdag pa ni Frasco na ang pantalan itong ay nakaayon sa hangarin ng Marcos Jr. administration na mapalago rin ang ekonomiya sa kanayunan.
“Pier 88, Port of Liloan, provides an added economic gateway to our already progressive and developed town. It benefits surrounding municipalities and cities and the rest of northern Cebu, and creates massive opportunities for livelihood, employment, commerce, trade, and of course, to Secretary Cristina’s delight, tourism. Mr. President, Pier 88 fully supports your administration’s drive towards economic prosperity by spreading development to the islands and the countryside and uplifting the lives of our fellow Filipinos.” sabi pa ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes