Party-list solons, ikinalugod ang pag-aalis ng DOH sa booklet requirement ng mga senior citizen

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pasasalamat si Senior Citizen party-list Representative Rodolfo Ordanes sa Department of Health (DOH) matapos alisin na ang booklet requirement para makakuha ng diskwento ang mga senior citizen kapag bumibili ng gamot.

Aniya malaking bagay ang pakikinig ng ahensya sa matagal na nilang panawagan.

Hirit niya na sana, pati ang mga persons with disabilities (PWD) ay hindi na rin hingan ng booklet kapag bumibili ng gamot at medical devices.

“Salamat sa aksyon ng DOH, on behalf of all senior citizens nationwide. Idamay na rin sana nila ang mga PWDs kasi may discount booklet din sila. They also buy medicines and medical devices,” ani Ordanes.

Pinasalamatan din ni United Senior Citizens Party-list Representative Milagros Aquino-Magsaysay ang kagawaran, sa pangunguna ni Secretary Ted Herbosa, sa aniya’y Pamasko sa para sa higit 12 milyong senior citizen sa buong bansa.

Ipinapakita aniya ng hakbang na ito ang commitment ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhing may access sa abot-kayang gamot ang mga senior citizen.

“Taking into account the mobility and tendency of our UNITED SENIOR CITIZENS to bring their purchase booklets for medicines, the deletion of the requirement not only gives premium to elderly convenience, it is only ecologically sound and friendly,” saad ni Magsaysay.

Umapela din ang solon sa Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWS), National Commission of Senior Citizens ( NCSC), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Bureau of Internal Revenue (BIR) na sana’y alisin na rin ang requirement ng pagpresinta ng purchase booklet para naman sa pagbili ng basic at prime commodities. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us