Presyo ng buko sa Litex Market, tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na ngayon sa ₱55 ang kada piraso ng buko na ibinibenta sa Litex Market.

Higit ₱10 ang itinaas nito mula sa ₱45 na bentahan noong mga nakaraang buwan.

Ayon sa ilang tindera, naapektuhan daw ng bagyo ang kanilang supplier ng buko sa Quezon kaya nagtaas ito ng benta.

Umaasa naman ang mga nagtitinda ng buko na maganda ang bentahan nila ngayon lalo’t patok na pangsahog ito sa fruit salad at buko pandan.

Kahapon daw kasi ay matumal pa ang bentahan nila at paisa-isa lang ang bumibili.

Isa naman si Nanay Celia sa maagang namili ng buko na aminadong namamahalan sa presyo nito pero wala nang magawa dahil hindi makukumpleto ang balak niyang buko salad kung wala ito.

Bukod sa bagong bukas na buko, may available ding buko juice na mabibili sa ₱5 hanggang ₱10 kada baso. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us