Presyo ng Lechon sa La Loma, tumaas pa ngayong bisperas ng Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumaas pa lalo ang presyo ng Lechon sa La Loma, Quezon City ngayong bisperas ng Pasko.

Ayon sa ilang lechonero, mula sa taas na ₱500 kada piraso, nasa ₱1,000 hanggang ₱2,000 na mas mataas na ngayon ang presyo ng kada lechon depende sa laki.

Sa pwesto ni Aling Nena, ang pinakamaliit na 8-kilograms na lechon ay nasa ₱15,000 ang kada piraso, ₱18,000-₱19,000 naman para sa 9-10kgs na lechon habang ang pinakamahal ay umaabot sa ₱27,000 hanggang ₱30,000

Ayon kay Aling Nena, malaki rin ang itinaas sa kanilang puhunan mula sa baboy hanggang sa mga rekado.

Umaasa itong sa kabila ng taas-presyo sa Lechon, ay patuloy na magiging mabenta ang kanilang paninda na kadalasang bida sa hapag kapag Noche Buena.

Maging ang kada kilong Lechon ay nagtaas na rin ang bentahan na nasa ₱1,500 na ngayon ang kada kilo mula sa dating ₱1,200 kada kilo.

Inaasahan namang magsisimula mamayang alas-10 ng umaga ang dagsa ng mga mamimili ng lechon sa La Loma hanggang mamayang gabi. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us