Umapela si Camarines Sur Representative LRay Villfuerte sa Department of Social Welfare and Development (DPWH) na ayusin na ang disenyo ng Andaya Highway.
Ito’y kasunod ng 17 kilometrong traffic gridlock na nangyari,dahil sa kinailangan ayusin ang bahagi ng highway na nasira bunsod ng magkakasunod na pag-ulan na tumama sa probinsya.
Aniya, kailangan na ng pangmatagalang solusyon sa Andaya Highway upang hindi na maulit ang nangyaring perwisyo sa mga biyahero.
Itinutulak din ng kongresista na mapondohan ang konstruksyon ng Ragay-Pasacao Coastal Road para idugtong sa ongoing na Pasacao-Balatan Coastal Road bilang alternatibong ruta.
Gayundin ang pagpapatayo ng Libmanan Sky Bridge 1 at 2 na magdurugtong sa Libmanan patungo ng Canaman at Magarao.
Dahil sa ginawang pagsasaayos sa nasirang bahagi ng Andaya Highway, na siyang gateway pa-Bicol, ay umabot ng anim hanggang walong oras ang traffic doon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes