MIMAROPA at Western Visayas, makararanas na ng mga pag-ulan simula bukas -PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang mga pag- ulan simula bukas sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas dala ng bagyong #BettyPH at habagat.

Ayon sa PAGASA, magtutuloy-tuloy ang mga pag-ulan na makakaapekto na sa Western portions ng CALABARZON at maging sa Western portions ng Central at Southern Luzon sa araw ng Miyerkules.

Base sa huling ulat ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 715 km East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Bumagal pa ang galaw nito pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin aabot sa 175 km kada oras malapit sa gitna at bugso ng hanging 215 km kada oras.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal #1 sa naraming lugar sa Luzon.

Sinabi pa ng PAGASA, posibleng tuluyan nang hihina ang bagyong #BettyPH at maaaring i-downgrade sa kategoryang severe tropical storm sa Huwebes o sa Biyernes. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us