Nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) sa mga financial institution na tumugon sa kanilang panawagan na ipagpapaliban ang bayad ng loan ng mga Guro at non-teaching personnel.
Ayon sa DepEd, magpapatupad ng 1 hanggang 4 na buwang moratorium sa loan payment ang nasa 24 na financial institution mula Enero hanggang Abril ng taong 2025.
Kabilang na rito ang DepEd Provident Fund, First Consolidated Bank, A Private Development Bank, Manila Teacher’s Mutual Aid System, Inc., Philippine Public School Teachers Association, Inc.
at Rural Bank of Malolos, Inc.
3 buwang moratorium naman ang ipatutupad ng Land Bank of the Philippines, Beneficial Life Insurance Company, Inc. at Camarines Sur Elementary and Secondary Teachers and Employees Association, Inc.
Habang 1 buwang moratorium naman ang ipatutupad ng 16 na nalalabing financial institutions.
Magugunitang sinabi ni Education Sec. Sonny Angara, nais niyang magkaroon ng “loan relief” ang mga Guro at School Personnel para makabangon ang mga ito sa epektong dulot ng mga nagdaang bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala