Dagsa pa rin ang bilang ng mga pasahero na pumupunta sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ayon kay Jayson Salvador, Head ng PITX Corporate Affairs and Government Relations, nasa mahigit 86,000 na ang kanilang monitoring ng foot traffic.
Pero sa kabila nito ay wala naman nang na-monitor na haba ng pila sa mga ticketing booth partikular ang biyaheng Bicol.
Matatandaang una nang nagpaalala ang pamunuan ng PITX sa publiko, na magsagawa ng advance booking para sa mas maayos na pagbiyahe ngayong holiday season. | ulat ni Lorenz Tanjoco