20K FFPs, dumating sa Albay bilang karagdagang tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating kahapon, Disyembre 23, 2024, sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V warehouse sa Pawa, Legazpi City, Albay ang 12 truck na may kargang 20,000 Family Food Packs (FFPs) mula sa National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City.

Ang mga FFP ay magsisilbing karagdagang ayuda upang suportahan ang mga komunidad na labis na naapektuhan ng magkakasunod na bagyong Kristine at Pepito, pati na rin ng iba pang mga kalamidad sa rehiyon ng Bicol.

Tiniyak ng DSWD Bicol, na may sapat na suplay ng relief items at handa itong magbigay ng karagdagang tulong upang suportahan ang mga pamilyang naapektuhan ng mga bagyo at iba pang hindi inaasahang sakuna sa buong rehiyon. | ulat ni Emmanuel Bongcodin, Radyo Pilipinas Albay

Photos: DSWD FO 5 Bicol

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us