Manila solon sa DOLE at DILG: I-tap ang barangay councils para bantayan ang pagpapatupad sa minimum wage

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ngayon ni Manila Representative Rolando Valeriano ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na i-deputize ang mga barangay council upang tumulong sa pagbabantay ng pagpapatupad ng minimum wage.

Inihalimbawa ng kinatawan na tumaas na ngayon ang minimum wage ng mga kasambahay sa Metro Manila sa P7,000. 

Ngunit, sino aniya ang magbabantay kung naipapatupad nga ito.

“Wage hike orders that look good on the paper they are written on do little to ease the burdens of inflation. Kasambahay’s minimum wage in Metro Manila rose by P500. The new total is P7,000. Are kasambahays getting the minimum wage and benefits?” ani Valeriano

Kaya mungkahi niya, na kunin ang tulong ng mga barangay council para masiguro na tumatalima ang employers lalo na aniya at aminado ang DOLE, na kulang sila sa inspectors.

Tinukoy pa niya, na noong panahon ng pandemya sa tulong ng lokal na pamahalaan ay natukoy ng DOLE ang mga hindi sumusunod sa ipinatupad na CAMP program ng pamahalaan.

“DOLE and DILG must mobilize the barangay councils to diligently document minimum wage compliance. DOLE has lamented before that they do not have enough inspectors to check on compliance. But if the barangay councils are deputized, trained and mobilized, they become the compliance deputies,” saad pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us