DND Secretary Teodoro sa publiko: Pairalin ang bayanihan ngayong Kapaskuhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan, lalo na sa mga kababayan nating nasalanta ng mga kalamidad nitong nakalipas na buwan.

Sa kanyang mensahe para sa Kapaskuhan, hinimok ni Teodoro ang publiko na magbigay ng suporta at tulong sa mga kababayang patuloy na nakararanas ng kahirapan upang muling makabangon.

Hiniling din ng kalihim na ipagdasal ang mga uniformed personnel, bagama’t malayo sa kanilang mga pamilya ngayong Pasko ay patuloy na nagsisilbi at nagbabantay para sa kapayapaan at kalayaan ng bansa.

Ayon kay Teodoro, ang mga sakripisyong ito ay nagpapaalala sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan at pagkakaisa.

Nagpaabot naman ng pagbati ang Department of National Defense sa lahat ng Pilipino ngayong Pasko. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us