Ilang mga pasahero sa BFCT Terminal sa Marikina City, marami pa rin ngayong Bisperas ng Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Marami pa rin ang mga pasahero sa BFCT Terminal sa Marikina City ngayong Bisperas ng Pakso.

Ang ilan nga sa kanila ay hindi makakapagdiwang ng Noche Buena at Pasko kasama ang kanilang mga pamilya.

Ito ay dahil sa naantalang biyahe patungong probinsya dahil sa dagsa pa rin ang mga pasahero sa Batangas Port.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nakapanayam si Rollyn Fluguso na dalawang araw nang stranded sa BFCT Terminal.

Aniya, dapat sana ay kahapon pa ang kanilang biyahe patungong Capiz. Sila ay bumiyahe patungo sa BFCT noong December 22 mula sa La Union. Kasama ni Rollyn ang kaniyang asawa at limang anak.

Paliwanag ni Rollyn, nakapag-book naman sila ng bus kaso nga lang ay hindi talaga makapasok yung bus na dapat nilang sasakyan sa Batangas Port.

Sa December 26 naman ipinangako ng pamunuan ng terminal na sila ay makakabiyahe na.

Kabilang sa mga bumibiyahing bus sa BFCT ay patungong Iloilo, Aklan, at Antique.

Sa ngayon, nakabantay ang Marikina Police sa nasabing terminal upang matiyak ang kaayusan at seguridad sa lugar. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us