Banta ng lahar, itinaas sa mga lugar malapit sa Bulkang Mayon dahil sa shearline

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng Lahar Advisory ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon sa gitna ng mga pag-ulang dala ng shearline.

Ayon sa PHIVOLCS, pinangangambahan rin ang posibleng pagkakaroon ng lahar flow mula sa Bulkang Mayon.

Tinukoy nito ang weather forecast mula sa PAGASA kung saan inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan ang shearline sa Bicol Region sa mga susunod na araw na maaaring magresulta sa volcanic sediment flows, muddy stream flow o muddy run-off sa mga ilog at drainage areas ng bulkan.

Kabilang sa mga lugar na posibleng maapektuhan nito kung sakali ang Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, Bulawan, Basud, at Bulawan Channels sa Albay Province.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente malapit sa bulkan na magdoble ingat sa banta ng lahar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us