Muli na namang nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Sa monitoring ng PHIVOLCS, pitong beses itong nagbuga ng abo sa nakalipas na 24-oras at tumagal ang aktibidad ng tatlong minuto hanggang dalawang oras at 26 na minuto.
Bukod dito, nagkaroon din ng 25 volcanic earthquakes o mga pagyanig sa bulkan kabilang ang limang volcanic tremors.
Naitala naman sa 3,585 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Ayon pa sa PHIVOLCS, patuloy rin ang malakas na pagsingaw sa bulkan na umabot sa 1,200 metro ang taas.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Bulkang Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa