Magnitude 4.5 na lindol, tumama sa Paluan, Occidental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bahagi ng Paluan, Occidental Mindoro ngayong umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), bandang 7:32am naganap ang pagyanig.

Naitala ang sentro nito sa layong 27km timog-kanluran ng naturang bayan.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 10 kilometro sa lupa.

Wala namang inaasahang mga pinsala at aftershocks ang PHIVOLCS kasunod ng pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us