Higit 200,000 indibidwal, apektado ng shearline — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa 55,254 na pamilya o higit sa 200,000 indibidwal na apektado ng mga pag-ulang dala ng shearline ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Western at Eastern Visayas.

Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, mayroon nang higit 900 na pamilya o katumbas ng 2,706 indibidwal ang pansamantalang inilikas sa evacuation centers.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DSWD na sapat ang pondo nito para umayuda sa mga apektado ng pag-ulan.

Sa kasalukuyan, nakapaghatid na ito ng higit apat na milyong ayuda at mayroon pang kabuuang ₱2-bilyon ang hawak na relief resources ng ahensya kabilang ang stockpile ng food at non-food items pati na standby funds. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us