Kahit ngayong holiday season, patuloy na nakatutok ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga komunidad na apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa DSWD, karagdagan pang 7,592 kahon ng family food packs (FFPs) ang inihatid ng DSWD Field Office Caraga sa Bacolod Warehouse.
Karagdagang suporta ito sa mga komunidad na apektado ng pagputok ng bulkan lalo na ang mga nasa evacuation center pa.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa higit 11,000 pamilya o 45,526 na indibidwal ang naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.
Nasa higit 4,000 pamilya rin ang nananatili pa sa mga evacuation center. | ulat ni Merry Ann Bastasa