Quinta Committee, binigyang-diin ang kahalagahan ng irigasyon bilang pangmatagalang solusyon sa pagpapababa ng presyo ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natukoy sa pinakahuling pagdinig ng Murang Pagkain Super Committee ng Kamara na singkwenta sentimos lang ang ibinaba sa presyo ng bigas matapos ibaba ang taripa sa imported rice.

Kaya naman nangako si Albay Representative Joey Salceda, overall chair ng komite, na papanagutin ang mga mapagsamantalang business entities.

Ngunti higit aniya sa pagsasampa ng kaso, mahalagang aspeto na dapat tutukan ang irigasyon.

Giit niya, ito ang pangmatagalang solusyon para mapataas ang pagtatanim ng palay sa bansa na magreresulta sa mas maraming suplay na makakatulong sa pagpapababa ng presyo.

Dagdag pa ni Co-Chair Ria Vergara, makatutulong din ang irigasyon para mapagbuti ang productivity at kita ng mga magsasaka.

Sa kasalukuyan mayroong contract farming program ang National Irrigation Administration (NIA) kung saan binibigyan ng NIA ng pondo ang mga irrigation association na katumbas ng 50% ng kanilang target yield o ani na gagamitin sa farm inputs.

Isa sa resulta nito ay ang ibinebentang ₱29 kada kilo ng bigas sa mga KADIWA o yung Rice for All Program. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us