Kaisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagdiriwang ng bawat mamamayan ng isang masaganang Kapaskuhan at mabiyayang Bagong Taon.
Sa isang pahayag, nagpasalamat si DILG Secretary Jonvic Remulla sa bawat isang Pilipinong na naging parte ng mga nakamit na tagumpay ngayong taon sa kabila nang hindi mabilang na pagsubok at unos na pinagdaanan ng bansa.
Kasunod nito, tiniyak ng kalihim ang patuloy na pagbabantay ng halos 40,000 kasapi ng Pambansang Pulisya at halos 38,000 bumbero para sa kaligtasan ng publiko ngayong Kapaskuhan.
Naka-alerto rin ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang masiguro na magiging mapayapa ang Pasko at Bagong Taon ng mga PDL o persons deprived of liberty. | ulat ni Merry Ann Bastasa