Sen. Bong Go, nagpaalala sa lahat na alagaan ang kalusugan ngayong Kapaskuhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala si Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ sa bawat Pamilyang Pilipino na dapat ay alagaan ang kalusugan sa panahon ng Pasko.

Aminado si Go na ang Pasko ay panahon ng pagtitipon-tipon, pagbibigayan at kabi-kabilang handaan pero hindi aniya dapat maisantabi ang kalusugan.

Naniniwala ang senador na mainam na paraan para ipagdiwang ang Christmas season nang walang inaalala at nang walang sakit.

Kaya naman nagpaalala ang mambabatas sa lahat na bantayan ang kanilang kinakain, mag-ehersisyo at manatiling fit ngayong Pasko.

Sakali man aniyang magkaproblema sa kalusugan ay may mga malalapitan na ang ating mga kababayan.

Kabilang na dito ang mga Malasakit Centers, super health centers, at regional specialty centers sa buong bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us