Bunsod ng epekto ng shear line ay nagpalabas ng Heavy Rainfall Warning ang PAGASA sa ilang lugar sa Luzon.
As of 8am, nasa ilalim ng Yellow Warning ang mga lalawigan ng Quezon, Laguna, at Batangas kung saan pinag-iingat ang mga residente sa banta ng pagbaha.
Mahina hanggang katamtamang ulan naman ang inaasahan sa Nueva Ecija, Pampanga, Bataan, Zambales, at Tarlac sa susunod na tatlong oras.
Nakakaapekto na rin ang ulan sa Rizal, Metro Manila, Cavite, at Bulacan na posibleng tumagal pa sa mga susunod na oras.
Inaabisuhan ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Offices na i-monitor ang weather condition at abangan ang susunod na iisyung warning mamayang alas-11 ng umaga. | ulat ni Merry Ann Bastasa