34 brgy binaha at 2 insidente ng landslide, naiulat sa CamSur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naitala ang pagbabaha sa 34 na mga barangay habang dalawang insidente ng pagguho naman ang naiulat sa Camarines Sur, kaugnay ng nararanasang pag-ulan sa lalawigan.

Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Camarines Sur, kabuuang 34 na mga barangay mula sa 13 ang naiulat na nagkaroon ng pagbaha dahil sa naranasang pag-ulan sa lalawigan dulot ng shear line.

Bukod sa pagbaha, naiulat din ang pagguho ng lupa sa bayan ng Tinambac at Balatan, Camarines Sur.

Sa bayan ng Balatan, kaninang 8 AM ngayong December 25, 2024, hindi pa rin madaanan ng ano mang uri ng sasakyan ang Balatan-Nabua Road dahil sa nangyaring pagguho ng lupa. | ulat Vanessa Nieva, Radyo Pilipinas Naga

Photo Courtesy: Camarines Sur PNP PRO5

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us