Senior Citizen Party-list, umapela na rin kay PBBM na magawaran ng clemency si Mary Jane Veloso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan na rin si Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes kay Pangulong Ferinand R. Marcos Jr. na magawaran ng executive clemency si Mary Jane Veloso.

Aniya tradisyon na, na sa pagtatapos ng taon ay nagpalalaya ang presidente ng mga person deprived of liberty kabilang ang mga matatanda.

Umaasa si Ordanes, na maikonsidera ng Pangulo ang mga magulang ni Mary Jane na pawang mga senior na.

Mahabang panahon na rin aniya ang kanilang inindang sakit dahil sa halos 15 taong pagkakakulong ng kanilang anak.

Ngayong buwan dumating sa bansa si Mary Jane matapos makulong sa Indonesa ng higit isang dekada.

Kasalukuyan naman siyang nananatili ngayon sa Correctional Institution for Women (CIW). | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us