Siniguro ni House Committee on Legislative Franchises Chairperson Gus Tambunting na committed ang Kamara sa pagtiyak na may sapat na suplay na kuryente sa bansa.
Ito ang iginiit ng mambabatas, matapos ipatawag ang energy stakeholders upang alamin ang paghahanda sa posibleng epekto ng severe weather conditions gaya ng La Niña sa suplay ng kuryente.
Batay aniya sa nauna na nilang mga pulong, may 200 na critical transmission projects ang nakalinya salig sa inaprubahang 2023 Transmission Development Plan.
Pero ang mga proyekto na ito ay delayed at hindi umabot sa target na deadline.
Paalala niya, na bagamat mayroong sapat na power generation capacity ang electricity producers, ang kakulangan sa transmission system ay banta sa power supply deficit.
“This challenge is particularly pressing as the country transitions to renewable energy sources, aligning with its commitment to combating climate change. This additional generation capacity is vital as rising temperatures drive up electricity demand and increase the likelihood of power plant shutdowns and outages,” diin ni Tambunting | ulat ni Kathleen Forbes